Friday, February 15, 2008

2018 ASIAN GAMES POSIBLE AYON SA POC

Plano ng Philippine Olympic Committee na mag-alok para maidaos sa Pilipinas sa 2018 ang Asian Games.

Ayon kay POC Chairman Robert Aventajado � hindi malayong mangyari ito kung makakalikom ng kinakailangang pondo para sa nasabing palaro.

Tatlong bilyong dolyar ang sinasabing ginastos ng Doha Qatar para maidaos sa kanilang bansa ang 15th Asian games.

Ang nasabing pondo ay ginugol sa pagpapagawa ng mga bagong sports facilities gaya ng Olympic size swimming pool, state-of-the-arts track and field at makabagong sports complex.

Inaasahan naman na mananalo ang India sa susunod na Asian Games kaya sinabi ng POC na marapat lang na tayo na ang sumunod.

Noong 1952, idinaos sa India ang Asian Games at noong 1954 ay sa Pilipinas ginawa ang 2nd Asian Games kung saan humakot ang mga pinoy athletes ng 14 gold, 14 silver at 17 bronze.